Hidden Emotions

Noong nakita ko ang typo na ito sa aking dashboard, naramdaman ko na ako ang pinapatamaan ng post na ito. Marunong ako magtago ng emosyon kahit na nararamdaman ko yung sakit at pait ng kalungkutan mo. Minsan, wala ka nang pakialam sa sinasabi nila at sinasabi mong “PAGOD” na akong magtago. Pilit ko pa ring kinukubli kung ano nga ba ang nagkulang sa sarili ko. Nagiging matampuin na ako bakit ako naging ganito at hindi ko lamang pinaglaban ang nararamdaman ko. Tagos nga naman talaga kapag sinabi mong malungkot ka dahil nararamdaman mo yung nakaraan hindi mo na kayang maalala pa. Pinipilit mo silang unawain dahil nga concern sila sayo at nandyan ka nagtatago sa sarili mong emosyon.
Pero nagpapasalamat pa rin ako sa mga taong marunong umunawa sa mga sitwasyong kailangan mong mapag-isa. Kaya kung ako sa inyo, huwag niyong pakawalan ang mga ganitong tao. Di ko naman nilalahat na konti na lang ang mga taong marunong mintindi sa mga mahihirap na sandali.
Disclaimer:
The photo is not mine. All rightful credits to yanilavigne
Hesitations
I regret why I didn’t able to talk to her about what is going on with us right now. I’m too scared of what will happen. We’re so close but yet, we’re still so far. I didn’t know why I didn’t tell her of that “something” that she must know. I’m too hesitated of what will be the outcome. She always feels comfortable when we talk a lot of things but that “something” will ruin all our memories. This time, I feel when is the perfect time for that “something” to be revealed. I hope that this perfect moment will lead us to tell what’s going on with us and this will not be the end, but the start of something new for us when we say about that “something”
Hindi porket magkakaroon man ako ng reward/surprise, MATAAS NA KAAGAD GRADES KO. Sabihin na lang natin na naapreciate lang lahat ng efforts ko para mag-aral ng maayos at walang iniintiding pressure.

Tatay: Bibigyan ka raw ng notebook (laptop) ha
Me: Ewan ko, hindi pa sigurado.
Tatay: Ilan ba average mo last sem.
Me: Ahm, 1.76 po (nag-iisip ng matinong GWA/GPA)
Tatay: 1.71 ba?
Me: 1.76 po
Tatay: Ano ba nagpasira sayo?
Me: Math. 2.75
Tatay: Sayang hindi ka na magcucumlaude. Dapat wala kang grade na 2.75 kasi malapit na yun sa 3. Mga 70 na yun eh.
Yan yung convo namin kagabi. Eto naman yung convo namin kaninang lunchtime. (habang nasa hapang-kainan)
Tatay: Ano average mo nung 1st sem?
Me: 1.81 (totoo na yan ha)
Tatay: Dapat cumlaude ka ha. Nakaya mo ngang i-1.75 yung Accounting mo eh dapat kaya mo na rin sa ibang subjects. Dapat nasa top ten ka sa board exam mo para yung kumpanya niyo na ang magsusulat sa’yo. Pag-aagawan ka
Me: (napapaisip habang kumakain)
break saglit
Tatay: May OJT kayo sa Accounting niyo?
Me: Meron!
Tatay: Galingan mo! Dapat dun ka kay Manny Pangilinan mag-OJT.
My thoughts about this:
Yung title ng rant ko na ito ang magsasabi na ng lahat. Minsan nga, napapaisip ako sa mga payo niya sa akin dahil minsan naiisip ko kung attainable ba alrthough sensible naman sinasabi ng tatay ko. Mahirap lang kasi pag-usapan ang academic life kapag nasa bakasyon ka pa. Hindi dapat muna pag-isipan ang magiging pressure sa susunod na sem. Minsan kasi naiisip ko na paano ko nga ba talaga gagamitin yung high expectations ng tatay ko na mapabuti pa ang study habits ko. Ayoko kasing ipressure muna ang sarili at mag-isip-isip kung eto na nga ba ang course ko. Tuloy-tuloy na ba to hanggang grumaduate ako at magiging sapat na ba yung natutunan ko para harapin ang napakahirap na CPA Board Exam.
Minsan nagiging grade conscious ako pero hindi ako nagiging greedy para mahangad yung grade na yan. Alam ko naman na ginawa ko lahat ng makakaya ko pero minsan napapaisip ako kung ano pa ba ang kulang. Nagpapa-apekto na nga ba ako sa mga sinasabi ng tao sa akin?
Nakakainis pa kung ano na nga yung accomplishments mo sa buhay, hindi pa magiging kuntento yung tatay mo. Buti na lang talaga may mga kapamilya akong marunong umunawa sa situation ko ngayon. Nakakawala sila ng stress at wish lang nila sa akin ay makapasa at matapos ko ang pag-aaral ko.
PS: Sensya na kung medyo madrama ang post na ito. Hahaha! Sensya na rin kung mahaba ang post na ito.
Sa sobrang dami ng mga pinapagawa sa Minor Subjects, Di na nabibigyan ng priority ang Accounting.
Mga ilang araw ko na atang hindi nabubuklat Accounting book ko dahil sa dami ng pinapagawa. Ang daming worries sa mga ibang subjects kaya di na ako makapag-aral sa Accounting. Sana bawasan sana ng mga profs yung mga pinapagawa nila dahil gusto rin po namin ng panhinga. Malapit na finals namin oh. Naprapraning pa ako lalo dahil sa Math na yan. Sana Ma’am, konting konsiderasyon man lang. Please. Ayoko pong magsummer. :(
Ang dami ko lang worries ngayon kaya parang stressed out na ako dahil sa mga ito. GOOD VIBES PLEASE! :)
Dreams really do come true. :)
Yan ang title ko sa gagawin kong text post ngayon dahil ang saya lang talaga ng araw na ito sa akin. Napalitan ng sama ng loob sa good mood na nagsimula lang kahapon nung natanggap ko midterm grade ko sa Math. Ayun, nakakuha ako ng 5.00 eh konting push na lang eh. Pasado na sana. Sana tuparin niya lang yung sinabi niya na mag-aadjust siya ng grades eh minsan parang nafefeel o na minsan may mga profs na hindi tumutupad sa kanilang pangako. Sabi niyan naman na yung mga nakakuha daw ng 55-59, mag-aadjust daw naman siya. Tinitingnan ko yung student module ko kung totoo yung sinasabi niya pero wala pa yung grade. Excited lang ako. Hahaha! :)
Pero eto talaga ang highlight ng araw ko na ito eh. Yey! Naka-abot ako sa cut-off grade ko sa Accounting na 1.75. Natuwa ako sa sarili ko na kaya kong abutin yung grade na yun kahit na bagsak mga quizzes ko at midterms ko. Natuwa pa ako sa sinabi niyang “Hindi deserve ng isang accounting student ang singko.” Ayun, mas nabuhayan pa ako ng loob na mag-aral at lumakas pa lalo ang loob ko. May mga times kasi na parang ginigive-up ko na yung sarili ko dahil hindi ko lang nameet ang isang bagay. Mixed emotions ako nung tinawag yung pangalan ko. Nung una, hesitated pa akong malaman dahil umiral ang pagiging pessimist ko nung tanghaling yun. Yung tipong hindi ako kumain ng lunch dahil sa kaba at parang ginutom ko pa sarili ko. Nung nasa teacher’s table na ako, di na ako nag-atubiling tingnan yung grade at inisip ko na lang na kahit ano pa man, go lang at huwag panghinaan ng loob. Tapos nung pagbalik ko ng aking upuan, biglang tumaas ang balahibo at parang nangilabot yung buo kong katawan nung time na iyon. Mixed emotions talaga ngayong araw na ito. Naalala ko pa nung pumasok ako dun sa una kong class, accounting grade na kagad pinag-uusapan nila at parang gusto kong lumabas at parang i-unwind ang sarili ko kung ano ba talaga magiging grade ko. Yung tipong sinabi ko sa sarili ko “WEH! JOKETIME BA TO!” But anyway, di ko na lang talaga maipinta kung ano nararamdaman ko nung time na iyon.
Eto pa nga pala, since na ang expected grade ng tatay ko ay 1.5, sana maliwanagan siya kung ano lang ang kaya ko. Parang mahirap magsabi sa kanya eh. Parang ayoko ng maulit yung sinabi niya sakin nung Accounting 1 na kaya hindi ko lang natapos yung exam dahil wala akong alam. Dun ako nainis nung mga araw na iyon dahil hindi niya lang alam ang pressure na matapos ang exam na iyon. Pero anyway, naisip ko lang bigla pero nakalimutan ko na yun. Natawa na nga lang ako nung sinabi niya na iperfect ko dapat ang exam ko sa Accounting para hindi ako maghabol.
Sana tuloy-tuloy na ito hanggang matapos ako ng aking kurso ng BSA. Sana huwag akong sumuko kaagad dahil alam kong malayo pa tatahakin ko. Umaasa pa rin ako sa Panginoon na ginagawa ko po ito hindi lang para sa akin at ito ay para sa aking pamilya na sumuporta sakin kailanman.
Memories last January 2011. :)
Naalala ko lang bigla, nasa Senior year ako tapos yung tipong excited ka para malaman mo na kagad yung mga College Entrance Exams Results ng ADMU, UP at UST. All in just one month lang kasi yang results na yan nung lumabasa samin last year eh. Yung tipong hindi ka na makatulog dahil sobrang excited ka ng malaman mo yung mga results pero nalaman mong hindi ka pinagpala sa mga unibersidad na iyan. Actually, on ACADEMIC PLACEMENT STATUS ako sa UST pero dahil sa kagustuhan ko kumuha ng kursong BS Accountancy, pinili ko ang San Beda bilang last school pa pinag-examan ko. Di kasi ako qualified sa Accountancy ng UST bilang aking first choice tapos di naman nabasa ng machine yung 2nd choice ko na BS Entrepreneurship. Mga March 2011 na ako kumuha ng test sa San Beda dahil tinaon ko na nagtake ako dun sa aming mga graduation practices namin noon.
Di naman ako nanghihinayang na hindi ako nakapasok sa mga gusto na UP, UST at ADMU. Decision making ang umiral sa akin kung bakit ko ngayon ipinagmamalaki na ako’y isang Bedista. Minsan, umiiral pa rin na gusto ko pumasok pa rin sa mga desired schools na nabanggit pero sa tingin ko, destined talaga sa akin na ako’y mag-aral sa San Beda. Personal thoughts ko lamang po ito kaya huwag niyo po sana ako husgahan kaagad kapag nabasa niyo itong post na ito.
Random lang, habang nasa Chatime kami ng isa kong blockmate, pinag-usapan namin bigla ang memories habang nagrereview pa for college entrance exam bago kami maging Senior. Pumupunta pa ako ng Katipunan noon para magreview at since na lagi kong nadadaanan ang UP at Ateneo, parang sumagi sa isip ko na mag-aaral ako dun at lagi na kitang dadaanan. In state of nostalgia talaga ako ngayon. Kakatapos lang kasi ng aming midterm exam sa Accounting 2 kaya pumunta kami dun para mairelease namin yung stress nung exam na iyon. Coincidentally, lumabas na pala ngayon ang results ng UPCAT at USTET at lumabas din ang results ng ACET few days ago. Dahil doon, naalala ko bigla noong nasa state of decision making pa ako kung saan ba talaga ako magcocollege. Ang daming factors yung naisip ko noon para lang maging isang Kolehiyo.
Inuna ko pa magpost nito bago mag-aral ng todo sa Math. HAHAHA! Goodluck na lang talaga sakin. :)))
May mga bagay na nawawala na lang sa isang iglap lalo na kung may sentimental value ang isang bagay na iyon.
Hay! Etong 2011 na ata ang pinakamasaklap na pasko sa buong tanan ng buhay ko. ANG LALIM! Hahahaha! Parang nadala ako sa paghagupit ng bagyong Sendong sa Iligan at Cagayan de Oro. Alam niyo naman na since random akong tao, kung anu-ano na lang nakukuwento ko sa blog ko at kung anu-anong kalokohan pa ang nilalagay ko sa mga bumabasa ng mga sarili kong blog kahit na seryoso na ako sa mga sinasabi ko. Hindi lang ako reblog ng reblog pero nagkukwento rin ako ng ilang piling bagay na nangyari sa buhay ko. Ang sarap kasing balikan ang mga memories lalo na kapag gusto mong mag-unwind at kung gusto mo talaga ng pagbabago.
Oh siya! Sisimulan ko ng magkwento noong December 25, mga 9pm na yun I guest. Hay! Pagkalabas mo ng simbahan, dun pa ako nadukutan ng cellphone at parang ang bilis lang ng pangyayari noong gabing yun. Hindi ko lang alam kung sa labas o sa may bus na ako nadukutan ng cellphone. :( Ang saklap lang talaga. Masaya ako lumabas ng simbahan dahil natuwa ako sa sermon ng pari at bumili ako ng bibingka dahil yung yung isa sa mga favorite kong kakanin. Pagkababa ko ng bus, nagmonologue na lang ako at sinabi kong “SHT! Cellphone ko!”. Hindi talaga ako mapakali nung gabing yun. Ang tindi talaga ng pangamba ko nung gabing yun dahil tinatantya ko na isang buwan ko pa lang nagagamit yung phone ko at siguradong malalagot ako sa tita Lucy ko na nagpapaaral sa akin na siyang nagbigay ng cellphone ko. Sinabi ko na lang sa mga tita ko kaagad ang nangyari para wala ng pangamba at alam kong wala na akong magagawa para dun.
Sa sinumang nakakuha ng cellphone ko, sana may konsensya ka at matuto mong mahalin ang iyong kapwa. Tayo ay nagtatarabaho ng marangal at hindi dapat gumagawa ng kabalbalan sa ating kapwa. Masaklap ko mang iisipin na naging pamasko ko na iyan sayo. Bahala na lang po ang Diyos sa inyo. Yun na lang masasabi ko.
Naging ganyan yung title ng aking text post dahil sa masaklap na nangyari sa kwento ko na aking nailahad. Sana maging mapagmasid tayo sa ating paligid at sadyang mapanlinlang ang mga tao ngayon. :| -_-
Second sem starts tommorow.
Magpopost muna ako bago ako maglog-out dito sa aking Tumblr account. Aayusin ko pa kasi ang mga gamit ko at baka matulog na si Lolo at andito ang aking laptop sa kanyang kwarto. Siyempre manonood pa ako ng PBB Unlinight. :)
Anyway, Magsisimula na ang aking paglalakbay sa second sem bukas. Bagong kaklase, bagong prof, bagong buhay, bagong libro, mga ilang bagong gamit at BAGONG ENVIRONMENT na naman. Sisimulan ko ang aking second sem bukas na masaya at walang problemang iniintindi at parating good vibes lang palagi. Actually, looking forward naman ako this second sem pero tinatamad lang ako pumasok ng maaga. Hindi na kasi ako tinantanan ng 7:30am class. Pinagkaitan din ako ng breaks at nakakapanibago lang talaga. Alam kong reconsidered lang ako at gagawin ko talaga ang best ko para lang makaabot sa cut-off. :)
Mabuti na lang na marami pa rin akong kaklase sa GAC at ako’y nasa GAC pa rin. Di ko pa rin sila makakalimutan dahil may mga memories kaming trineasure sa isa’t-isa at mananatili yun sa aming puso. Ang lalim! LOLJK. :D
Wish me luck na lang this second sem at sana’y umayos na ang aking grade ngayong second sem. Sana maabot ko na ang 1.75 na cut-off grade namin sa Accounting. Kakayanin ko to at matutupad ko rin ang aking pangarap.

yan pala ang aking sched. :)))
Im not Bob Ong, Im not PapaJack,Im simply Rhadson.: Mga Uri ng Groupmates.
Nerdy One - Ito yung leader o yung taong matalino sa grupo, maaring hindi rin matalino pero masipag. Ito yung kapag sinabing leader eh alam mo na halos siya na ang gagawa ng report, group project niyo.
Yes Man! - Yung ka grupo na Oo lang ng OO pero naka headset naman, halatang gorabels lang sa…
Nakakainis ang mga taong BUMABALIMBING! Nakakagago lang.
Time passes, things change, but memories will always stay where they are.. in the heart.
(Source: sheamnessy)
Sa KUMBENTO ata ako nababagay hindi sa KUMPANYA. =))))
Hay! Ayan ang aking status ngayon sa FB. Nagiging paranoid ako sa aking course. Di ko alam kung makakasurvive ako sa aking dream course. Maraming nagsisink-in. Parang nalilito ka na tuloy kung ano ba talaga nakadestined para sa buhay mo. Nagiging paranoid ka sa buhay mo kung tama ba yung chosen carreer/endeavor na pinili mo. Alam ko naman na laging nandiyan ang Poong Maykapal sakin palagi lalo na sa oras ng aking kagipitan. Hangga’t maari, di pa rin ako susuko sa aking course kahit na minsan nararamdaman ko na hindi ako for Accountancy. =)))) Mawawala rin pala ang mga anxieties mo sa buhay kapag kung anu-ano na lang bigla pumapasok sa utak mo kahit na minsan parang OUT OF THE BLUE.
Nagsink-in kasi yan sa utak ko nung sinabi ng papa baka hindi ko lang natapos ang test namin sa Accounting dahil wala akong alam. Pero nakamove-on na ako sa sinabi niya nung sinabi ko na sa “Sa KUMBENTO ata ako nababagay hindi sa KUMPANYA.” Kasi, ayon sa kanya, gusto niya na magkaroon ng PARI sa mga anak niya. Since na ako ang bunso, ineexpect niyang magpapari ako dahil naging active na rin ako sa church namin. Iba talaga pag kasama mo ang PYM, parang narerelate namin sa isa’t-isa ang bawat kwento ng buhay namin. Mararamdaman mong di ka nag-iisa sa tinatahak mong landas.
Kung anuman ang magiging decision ni God para sa akin, tatanggapin ko ng buong puso dahil sa tingin ko iyon ang nararapat para sa akin. Nasa sa kanya pa rin ang decision anumang mangyari sa aking buhay. Marami pang pwedeng mabago sa aking buhay.
SANA SANA SANA! *cross fingers*
Hay! Nadedepress ako sa midterm exam ko sa ACCOUNTING. Hinanda ko naman ang sarili ko sa exam namin. Nagreview naman ako. Nabitin ako sa 3 hours na allotted time na binigay samin. Gusto ko lang ishare to guys para mairelease ko yung stress ko after nung heartbreaking exam. Kaya ko naman sana siyang sagutin kung di pa ako nagrecord ng mga ek-ek doon. Sana nagcompute na lang ako at hindi ko na sinulat. —_- Mahirap pa man din kung ibabagsak o mababa yung grade ko dahil baka yun yung isa sa mga magiging worries ko. Nanginginig yung buo kong katawan nung sinabi ni Ma’am na “finished or not finished, pass your papers”. May mga kulang pa kasi akong nilagay dun kasi di pa ako sure sa sagot ko. Hinanap ko pa si Ma’am para lang ipasa yung papel ko. Nadedepress lang talaga ako at kelangan kong irelease. vgbhhDSGYCJBSAH TALAGA! :((
Sana mameet ko pa rin yung cut-off grade sa ACC01 na 1.75. Nangangamba ako na baka mapipilitan akong magshift ng ibang course o lumipat ng ibang school para ipagpatuloy ang aking dream course na BS Accountancy. Sana malaki pa chances ko at SANA HINDI PA HULI ANG LAHAT. Masaya na ako kung natapos ko ang College life ko na BS ACCOUNTANCY ang course ko at makakakuha ako ng napakahirap na CPA licensure exam. (cross fingers pa rin)
Pero siguro minsan kelangan kong isipin na siguro hindi BS Accountancy ang course ko. Siguro may naplano si God para sa future ko. :D :-bd May mga chances nga talagang NO PAIN NO GAIN para maachieve mo yung para sa sarili mo. Pairalin ko na muna pagiging OPTIMISTIC ko na hindi ako SUSUKO para sa course ko. Sana makasurvive ako sa course ko na ako mismo ang pumili. :DD SANA HINDI PA HULI ANG LAHAT.
SANA MAKATULOG AKO NG MAHIMBING MAMAYA! HAHAHAHA! :DDD =))))
I just wanna share to all of you guys that I’ve been playing this song on my iTunes for the NTH time. Every words and lyrics of these song is catchy and I guest these song is SUITABLE FOR MOVING ON AND READY TO LOVE. The title itself is so catchy and your curiosity will definitely work. You will notice how the band wrote this song. This song is my inspiration to do this post.
It is very perfect for the people who is finding hard to move on. Moving on still depends on the person no matter how complicated LOVE IS. LOVE IS NOT COMPLICATED, PEOPLE ARE THE ONES WHO COMPLICATES LOVE. They just don’t know how to LET GO of a person. Everything in these world is temporary but unconditional still prevails within our hearts. I believe that every single entity deserve to have the RIGHT ONE IN A PERFECT PLACE AND TIME. Please be patient and i know that destiny is just their for us.
Please take note that I am just expressing my opinions here and TUMBLR ASK me if you have queries about this post. Every single entity has an opinion so do please respect it. =))))) Thank You! =))))
SO? Dedmahan na lang!
MAGKUKWENTO LANG ULIT! :D
Naalala ko na naman si “BLACKMATE” (sinadya ko yan) na nakasabay ko sa LRT1 last week or kamakailan pa ata yun. Imbes na mainis ako sa ginawa niyang pandededma, NATAWA na lang ako sa mga nangyari. Nakita ko siya sa Roosevelt station tapos ako naman yung tangang tumabi sa kanya dahil alam kong kilala ko siya. Alam kong nakikinig siya sa kanyang iPhone pero nakita niya naman ako. Nung nagbukas na ung pinto nung TREN, di talaga ako pinansin na parang HANGIN lang ang dating niya sakin. Magkabilaang pintuan kami pumasok. Alam kong di naman kami close pero parang wala man lang effort para man lang kumaway or whatever. Ako pa tuloy ang nagmukang FC dahil ako ang lumapit siya naman ang lumayo. Nung pagbaba namin ng Doroteo Jose station, di ko na rin siya pinansin dahil alam ko na wala naman akong mapapala kung papansinin ko siya. Naghiwalay kami ng sakay nung lumabas na kami ng D. Jose station. Nagjeep siya tapos naglakad naman ako ng pagkahaba-haba para lang makarating naman sa LRT line 2(daily routine na which means SANAY NA AKO) :D. PARANG AKO PA NAPASAMA SA GINAWA KO NUNG DAY NA YUN. =(
PS: Kung nabasa mo itong post na ‘to. Sensya na naging mabulgar ako. Naging disappointed lang ako sa ginawa mo. SORRY TALAGA.