image

Nagkaroon lang ako ulit ng idea kung ano isusulat dito sa GIF na ito. So eto na yun.

Masyado na ba nating iniisip kung paano nga ba talaga nagsisimula ang love story ng isang tao? Masyado na ba tayong nadadala sa mga baduy na mga loveteam na pinapanood sa mga sinehan? O masyado na tayong nadadala sa mga kadramahan ng buhay o kung ano pa man yan?

Walang closure kung ano nga ba talaga ang estado ninyo. Yan ang napapala niyo sa “bilis ng pangyayari”. Yung tipong nadadala ka na sa mga tukso ng mga kaibigan mo. Yung mga sandaling nag-aassume na nga ba talaga tayo sa mga nangyayari. Ang dami mong agam-agam pero di mo pa rin nasasabi kung ano na ba talaga? Masyado na tayong nagpapakatanga lalo na kung di na nagpapakita ng motibo yung isa. Eto ka naman, sinasakyan mo na lang yung mga pangyayari. Unconsciously, naguiguilty ka na. Hay! Anong komplikadong sitwasyon ito.

Pero ang tatandaan mo na lang, sana nandyan pa rin ako kapag nasabi ko na kung ano ba talaga yun. Wala nang ilangan at wala na sanang masaktan pa. Hindi ko man mapangako yun. Aasahan mo pa rin na nandito pa rin ako. Salamat sa trust na binibigay mo sa akin.

Basta tandaan mo, hindi man happy ending ang mangyayari sa estado natin ngayon. Sana magsuporta pa rin tayo kapag gumawa na tayo ng sarili nating future. Marami pa tayong kailangang malaman sa isa’t-isa. Kumabaga, tagpi-tagpi pa talaga kung ano nga ba talaga iyon.

Ang oras natin tumatakbo, eto naman tayo, sumasabay na lang sa agos ng mga pangyayari.

Usapang future

Matagal ko na gustong ipost to pero as usual, nariyan an naman si hesitation kung kaya hindi ko naman maipost ko ito kaagad. Maraming “something” na gusto kong ibatid tungkol dito at ngayon ko pa lang siya isusulat.

Siya ay kasalukuyang tinatahak ang kursong Batsilyer ng Agham sa Pagtutuos o BS Accountancy for short. Yan na talaga yung kursong naka-mindset sa kanya dahil ito raw ang pinakamagandang business course na tatahakin ko. Pumasok ako sa course na ito na ang tanging alam ko lang sa accounting ay PERA PERA PERA. Marami na siyang napagdaanan pero narito pa rin hinahawak pa rin ang minimithing pangarap na yan. May mga times na ngang pinaiyak siya o kaya naman pinasaya sa bawat pagsubok na tinatahak sa course na ito. Mahirap pero kung gugustuhin mo, makakayanan mo.

With regards sa future after graduation in 2015 or 2016 hopefully, syempre gusto niya na magreview at magtake ng CPA board exam kapag ready na siya. Maraming random thoughts kung ano ba talaga gusto niya. Ngayon na nagtetake ako ng Business Law 1, gusto niyang maging isang lawyer o kaya naman maging isang manager. Pero gusto ko talaga na magtake ng Master’s Degree after ng CPA Board. Minsan nga halos navivisualize ko na nakasuot ako ng corporate attire na nakikinig o kaya naman nagsasalita sa meeting. O kaya naman nagtatalumpati at naghahatid ng inspirational message sa mga taong gustong sumunod sa kanyang yapak. Naks!

Pero isa pa ito sa mga nagsisink-in sa utak ko, kukunin na raw ako nila tita sa Australia at doon na ako mag-aaral ng Master’s Degree at doon na magtratrabaho. Pero as usual, mahirap din palang iwanan ang Pinas pero minsan gusto mo nang umalis dahil feeling mo walang nagyayaring pagbabago. Well, hindi pa siguro maayos kung ano pa talaga daan yung tinatahak ko. Hindi ko pa alam kung ano nga ba ang mangyayari after neto. Pero malaking pasasalamat ko kila tita kasi kung wala sila, wala na sigurong Hans na nagpupursige hindi lamang sa kanyang mga magulang at kapatid, pati na rin sa kanyang mga tita na nagpatuloy sa pagsuporta sa kanya at naniniwalang may kakayahan siya. 

MAKAKARATING DIN AKO DIYAN, TIWALA LANG SA PANGINOON AT SA SARILI! SALAMAT SA LAHAT!

{

Sana sa susunod na umasa ka, huwag mong sishin ang iba kundi sarili mo dahil hindi mo pa rin nakikita yung mga palatandaan o mga signs. Nariyan na nga yung mga palatandaan, hindi mo pa rin nakikita ang tunay na motibo. Huwag mong sisihin sa iba yung pagkakamali mo dahil ikaw gumawa niyan eh. Bakit mo sisihin sa iba? Tandaan mo, ikaw gumagawa ng kapalaran mo kaya huwag kang masyadong nalilinlang sa mga bakas ng nakaraan.

Art 1156-1430

Well, magtutuos na naman kami ng mga articles na yan sa Obligations and Contracts sa summer. Ang dami kong drama sa subject na ito at ito pa mas pinokus ko noon kesa sa FinAcc1 na inulit ko. Ahm 50-50 na naman ulit sa subject na ito under kay Atty. Dante Dela Cruz aka Atty. D ng CPAR. Ilang beses ko siyang binasa pero hindi ko pa naiintindihan bawat articles at feeling ko sabaw ako kapag inaaral ko ito. May kaba lalo na tuwing tinatawag pangalan mo para magrecite. Bigla kang namemental block kapag tinawag ko na.

Okay, proceed na tayo sa sentiments ko sa subject na ito. Naisip ko na kasing magdrop sa subject na ito pero binibigyan pa rin ako ng pagkakataon na patunayan ang sarili mo sa subject na ito. Nabigo ka sa simula pero sinisikap mo namang itama pagkakamali mo. Kesyo, di na ako nagdrop para may background na ako kapag inaral yung contracts pero pinangungunahan ng takot kapag nagrerecite. Sana naman mawala na yung ganitong feeling sa summer. Sa sobrang anxious mo, hindi mo na alam kung paano sagutin yung tanong ni Sir. Pero the best pa rin talaga mga bilin ni Sir samin kaya di ko pa rin siya malilimutan.

Oo, masakit sa puso na itetake ko ulit siya pero isasapuso ko ang subject na ito alang-alang na makapasa ako at itama muli ang mga pagkakamali ko. Effort na kung effort para naman maayos na kung anuman ang naging mali mo noon.

Maraming nangyaring mali sa buhay mo, pero hawak mo pa rin yung “pundasyon” kung bakit ka lumalaban.

Kapag naririnig ko yung kantang Forevermore, iniisip ko na yun yung magiging theme song sa kasal ko. Why am I thinking about this?

Pero seryoso, gustong-gusto ko kantahin ang kantang to lalo na kapag nagsesenti ka, sa videoke or may naiisip ka kapag nag-uunwind ka about something. Ito yung kantang paulit-ulit kong kinakanta at parang eto yung kanta na magiging theme song ng “someone” ko na hindi ko pa mahanap. Hahaha! Siguro, makikita ko rin siya someday at priority muna si Academics kasi ito yung magdedefine ng future ko. Nakakasawa naman kasi kung puro Jim Brickman pero magaganda rin naman yung mga kanta niya. Random lang po ito.

PS: Matagal na siyang naka-draft at syempre, andyan na naman si HESITATION. Hayyy!

Here I am again, reading the post of some soon-to-be-graduates of BS Accountancy makes me feel motivated for the succeeding semesters that I will encounter. Tougher subjects, strict professors, tougher accounting problems, mind bugling accounting theories and concepts, struggling calculators, memorization of the different articles of business law, and so much more stressful stuffs you will encounter as a student. I try to be consistent but sometimes I don’t have the strength to push through especially during the tough times of being a student. There posts make me feel better when I am feeling down especially when I needed it most. They made me think that the pressure is normally there and you should learn to adjust and cope up to each and every professor.

But one thing’s for sure, I learn a lot not only about the logic behind every problems and understanding accounting principles and laws but also the test of character whether you will last the pain of being a student or whatsoever.

So many thoughts to ponder but too much hesitation to post it.

Learning from my experiences. I struggled for so many times but here I am that beliving to achive such dream. Staying strong no matter how hard the trials and hardships that I will go. I will pursue that dream to become a CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANT.

We accept the love we think we deserve

Well, maraming point-of-views pagdating sa love, pero yang katagang na yata yan ang pwedeng magpagabo sa definition of love. Minsan, masyado tayong nadadala kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng LOVE. Love is blind, commitment, patient, kind, at marami pang chuchu ang sasabihin natin kapag nagsusulat tayo sa slumbook at autographs noong elementary at college tayo. Maraming explanation sa napaka-vague na definition nito. Maraming definitions na halos ipagdebate na kung sinu-sino man diyan.

Ang Perks of Being a Wallflower siguro ang nagpabago sa akin kung ano nga ba ang mismong definition of love. Yan yung nagbago sa point-of-view ko kung ano nga ba ang talagang meaning na love. Yang katagang “we accept the love we think we deserve” ang nakapagpamulat sa akin kung ano nga ba talaga ito. Well. hindi ko man siguro masabi sa kanya yun kung bakit ganyan siya pero darating ang oras na kailangan mong sabihin ang lahat. Deserve niyo kung ano man ang magiging consequences sa magiging actions niyo. Paulit-ulit na lang ba tayo sa mga pagkakamali natin. Patuloy na lang ba tayong malilinlang kung ano nga ba ang love para sa atin. Magpapaloko pa ba tayo kung kailan naging intimate na kayo at kung ano pa man.

Siguro, nakikita ko sa sarili ko si Charlie pagdating sa love na gusto niyang lumabas sa kanyang mga comfort zones. Yung tipong nakamtan niya ang love dahil hindi siya nagmadali at alam niyang kontrolin yung sarili niya. Ayaw niyang masaktan ulit at ayaw niya ring masaktan yung mga taong nagmahal sa kanya ng lubusan. Tandaan niyo, maraming Charlie pa ang hindi nagpaparamdam sa paligid pero antayin niyo ang tamang panahon para diyan.

Hidden Emotions

Noong nakita ko ang typo na ito sa aking dashboard, naramdaman ko na ako ang pinapatamaan ng post na ito. Marunong ako magtago ng emosyon kahit na nararamdaman ko yung sakit at pait ng kalungkutan mo. Minsan, wala ka nang pakialam sa sinasabi nila at sinasabi mong “PAGOD” na akong magtago. Pilit ko pa ring kinukubli kung ano nga ba ang nagkulang sa sarili ko. Nagiging matampuin na ako bakit ako naging ganito at hindi ko  lamang pinaglaban ang nararamdaman ko. Tagos nga naman talaga kapag  sinabi mong malungkot ka dahil nararamdaman mo yung nakaraan hindi mo na kayang maalala pa. Pinipilit mo silang unawain dahil nga concern sila sayo at nandyan ka nagtatago sa sarili mong emosyon.

Pero nagpapasalamat pa rin ako sa mga taong marunong umunawa sa mga sitwasyong kailangan mong mapag-isa. Kaya kung ako sa inyo, huwag niyong pakawalan ang mga ganitong tao. Di ko naman nilalahat na konti na lang ang mga taong marunong mintindi sa mga mahihirap na sandali.

Disclaimer:

The photo is not mine. All rightful credits to yanilavigne

Hesitations

I regret why I didn’t able to talk to her about what is going on with us right now. I’m too scared of what will happen. We’re so close but yet, we’re still so far. I didn’t know why I didn’t tell her of that “something” that she must know. I’m too hesitated of what will be the outcome. She always feels comfortable when we talk a lot of things but that “something” will ruin all our memories. This time, I feel when is the perfect time for that “something” to be revealed. I hope that this perfect moment will lead us to tell what’s going on with us and this will not be the end, but the start of something new for us when we say about that “something”

Sa Bingit ng Pag-aalala

Sa dami ng iniisip ko ngayon, di ko alam kung saan ba ako patutungo. Di ko alam kung tama nga ba ang daan na tinahak ko habang binabagtas ko ang tamang daan na yan. Maraming balikong daan na patuloy na humaharang sa tamang daan na iyon. Napapaisip ako kung tama nga ba ito o sadyang nilalaro ako ng tadhana na iyan. Lumilipas na ang araw na hindi ko man lang nagawan ng paraan kung paano ko siya mababawi. Sadya nga bang lumalayo ang lahat sa akin o parang hindi ko lang alam kung paano itama ang bawat pagkakamali na nagawa ko sa buhay ko?

Lahat na lang tinitimbang ko kung ano nga ba ang mas okay na desisyon na gagawin ko. Yung susuko na lang ba ako o ipagpapatuloy pa rin ito hanggang dulo kahit di ko man makamit ang happy ending.

Kahit na hindi ako makapagdesisyon hanggang ngayon habang nalalapit na ang oras, umaasa pa rin ako na babantayan mo pa rin ako Lord kahit ano pa man ang desisyon ko na mapili. Sana maliwanagan na ako kung ano nga ba ang mas makabubuti sa akin. Lilipas din ang panahon pero alam ko naman na nagsikap pa rin ako papaano. 

 

I may not be able to express my own feelings for you. But here I am, trying to reach out for you and hoping that this feeling will tell how I feel. I am just waiting for the perfect time that the two of us will understand. Trying to find a better place where the two of us will talk. In this part, we will be able to reminisce the memories that we made, not the bitterness that ruin our friendship. We hope that we will try to understand that these will not come back anymore but we still have the time to bond and end those bittersweet memories.